RAKRAKAN SA FEU

January 27, 2007 § 7 Comments

Nasabi ko na ba sa inyong taga FEU ako? opo, taga FEU po ako, dun po ako nagaaral, dun po ako namulat sa mga totoong kulay ng buhay, dun po ako unang natutong umibig, masaktan, at umibig muli (pwe, ambantot.), dun po ako unang natutong magsinungaling sa magulang ko (tatay: anak, asan na yung grade slip mo? bugsy: ay tay, kinain ho ng rugby boy.) dun po ako unang natuto kung pano magpagawa ng resibo sa recto, pati certificate of registration at medical certificate, dun ko din natutunan  na pwede palang gawing lunch ang limang piraso ng tuknene (kwek kwek para sa mga di makaintindi), dito ko din natutunan kung pano makisama sa mga taong mahirap pakisamahan, sa mga manong guard na ayaw magpapasok kahit nagbayad ka ng milyones para makapagenroll, sa mga prof. na mahilig mambagsak (bugsy: sir, me pagasa pa po ba yung grades ko? sir: huh? hu u?) at sa mga tindera sa canteen na madaling kausapin (bugsy: miss, magkano po ito? tindera: donut.), dun ko din natutunan na ang pagsakay ng jeep ay katumbas na din ng pamimigay ng cellphone, natutunan ko din na pag ikaw ay naglakad sa recto ay magmimistulang magnet ka sa mga pulubi , bata man o matanda minsan bakla pa ( pulubi: hoooy… pengetch naman akeng datur! translation: penge pera.) dun din po ako natuto kung panu ipaglaban ang sarili, prinsipyo at mga bagay na alam mong tama ( bugsy: taena, sabi nang dito nga ako nagaaral e! guard: owwwsss…) at higit sa lahat, dun din po ako natuto kung pano hindi matuto.

ngayon, bakit ko sinasabi sa inyo to? wala, intro lang yan.

kamakailan lang (kahapon lang, actually.) ay nagdiwang ng ika 79th foundation anniversary ang aming pinakamamahal na holdaper, este, school pala. weeeeh! buhay pa kame!

taena, masyado kong nagenjoy e, napablog tuloy ako. bigatin kasi yung bandang pinatugtog e, akalain nyo, CALLALILY, SANDWICH at 6CYCLEMIND, pinagsama -sama, grabe parang nag-orgy ang tenga ko sa sarap ng tugtugan! kasi di ny natatanong, raker ata ako! rawk own!

sabi nila nagsimula daw yung concert mga 6pm, e kaso dumating na ko mga 7:30 na ata, ugali ko na kasi ang hindi magpakita sa tamang oras, cute daw pag ganun. tangina shet, kabado na ko nun e, sabi ko “puke, baka ala na ko abutan..” so kabado nga ako, kayataena nung pagdating ko dun, nasuya ako, kasi ang naabutan ko e babaeng nasa stage na me kasamang acoustic guitar at kajon (k-jon daw ang totoong spelling nun, but, what do i care?). pucha asan na yung rakrakan na inaabangan ko buong linggo?! rowk own na rowk own na ko e! so galit ako syempre, pota ang init ng ulo ko, nagdala pa naman ako ng extra clothes para pag nilapitan ako ng mga idol ko hindi ako naka polong off-white at pantalon na dark green, para pansinin kako ako! shet, tas bigla ko naalala, ay me front act pa nga pala, tanga ko naman, sorry na, tao lang. (ang paragraph na to ay hindi totoong nangyari. nagsayang lang kayo ng oras.)

pagkatapos nung sudden stroke of idiocy ko, ayos na, nagpalit na ko ng damit, hinanap gerlpren ko, kumain ng hotdog sandwich, at pumunta sa harap ng crowd (andaya ano? ala e, PRESS kasi e.)(gago, PRESS, yung sa dyaryo at tv, media kumbaga, tanga!).hanep nasa ibaba ako mismo ng stage, kitang kita ko yung mga punja nung performers! dalawang front act band lang ang naabutan ko nung nagsimula akong manuod e, ok naman sila, puro mga taga FEU nga e. (para daw mura lang ang bayad sabi ng admin) una kong napanuod yung bandang JOVIT MOIJA (di ko alam kung tama spelling.) taena syet, nakakatuwa sila, banda sila na nanggaling daw sa course ng psychology, ala KIKO MACHINE sila, makulit, magulo, madungis, dugyot. well actually kinover nila yung isang song nga KIKO. ang kulet nung dalawang vocalist parang mga gago, taena, kaklase ko pa nga yung isa e, yung nakasuot nung pang Reliance. andami nilang antics na kung makikita mo sa ibang lugar bukod sa concert e masasabi mong estupyed. kaso ala e, asa concert e. so tawa na lang kami. sinundan naman sila nung huling banda ng mga fronts, ang CHITO MORENO. ( putangina. hindi ko alam kung san pinagkukuha ng mga damuhong ito yung mga pangalan ng mga banda nila.) so yun, ahh.. anu ba masasabi ko sa kanila, ala e, di sila tumatak sa isip ko e, pwera yung leadista, kaklase ko yun dati e, tsaka pinagtitilian sila ng mga chikas sa likod e. (ahhhsshhedapp!) so whats next? pestengyawa! main bands na!

me lumabas biglang dambuhalang babae, tsaka semi kalbong lalaki sa stage, mga host pala yung mga yun. so syempre salita muna sila nga konti, bati-bati, joke dito, joke duon, (ungas, corny nyo!) nuod daw kami ng “Me Trabaho Ka” sa Qtv, tsaka makinig daw kami ng Campus Radio LSFM 97.1… pota antagal ng CALLA, naiihi na ko……… so after ko umihi ayun na, CALLALILY na, tili na ng tili yung gerlpren ko! alangya, pinagpalit ako sa vocalista, nawala ba naman bigla sa tabi ko. andun na pala sa stage, nagpipipiktyur-piktyur. taena kayo CALLALILY, ok sana kayo e, kaso maxadong pogi yang Kean na yan, mamatay din kayo mga ungas. well… ok naman yung set nila, madami dami din yung kinanta nila, pero hindi kasing dami nung mga pantyng nahulog sa quadrangle. maraming kanta ang hindi ko alam sa bandang ito, marahil ay sa kadahilanang hindi pa ko bumibili nga album nila, kaya halos di ko din alam yung mga pinagkakakanta nila. Stars lang, tsaka yung Take My Hand… pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko sa set nila e yung pagkanta nung guitarista nila, pota e mas magaling pa kumanta dun ke Kean e. bili kaya ako ng album nila? hmm.. wag siguradong bibili yung gerlpren ko, hiramin ko na lang tas copy ko n lang sa pc…! hekhek!

after ng mga baklitang CALLALILY, tinawag na nung dambuhalang babae ang SANDWICH! pota di na ko nakatiis, inagawan ko na ng camera yung isang photographer, akyat ako sa stage, tinawag ko si Mong habang nagseset-up sya ng gadget nya, sabi ko “Mong, pose ka naman!” pumose naman si gago, tas *click! ayos! taena sigawan na uli yung mga tao, syempre pati ako sumisigaw, idol yun e, sigaw ako ng sigaw nakalimutan ko kumuha ng picture, buti na lang nagtaka ko kung bakit ako napunta sa stage “teka, ba’t ako nasa stage? bawal dito di ba? ay photographer pala ko ampucha *click! *click!” nagulat nga ako e, kasi ala si Myrene, pero puta sino naman ang pumalet, si Buddy! yep yung kabanda ni Raymund at Eli dati sa E-HEADS! gulat ako e. as in shock e. tas lalong lumakas sigawan ng tao, lumabas na pala si Raymund! taena syempre tinawag ko din sya, pero di tumingin, suplado pala si gago. inamo ka kahit suplado ka, tsaka kahit naging dahilan ka ng pagkakawatak-watak ng isa sa pinakamagaling na banda sa pilipinas, Raymund, mahal pa rin kita. sinimulan nila yung set nila with DVDX.. taena hiyawan na yung mga tao… talunan na ng talunan! nagagalit na si Dean Fronda, wag daw tumalon, asa naman kayo dean. tas sinundan nila ng medley ng Alcohol at Two Trick Pony, then they finished it with a bang when they sang Sugod. taena, bitin amputsa, gusto ko pa sumigaw ng “more” kasabay nung ibang studyante, kaso ala na kong boses kakasigaw during the set. saludo ko sa inyo SANDWICH.

final band na, so sino na lang ba ang natitira,  syempre, 6CYCLEMIND na… syempre picture uli ako…pinicturan ko sina pareng Tutti at Ney.. kaso sandali lang, gusto ko naman maenjoy yung set kasama si gerlpren, kaya binalik ko na yung camera. madalas kong mapanuod ng live ang 6CYCLEMIND e, kaya ala nang bago sa pinanuod ko, dating gawi, dating kanta, sinisingit parin ni Ney yung, OY! OY! OY! OY! sa lahat ng kanta nya, kinanta yung Sandalan, kinata yung I… kinanta yung Sige (with fireworks at the background pa.) ang bago lang sa pandinig ko yung bagong rendition nila ng prinsesa, originally performed by The Teeth. astig, ginawa nilang lounge music. astig pa din kayo 6CM.

taena sulit ang pagligo ko nung araw na yun!

ay oo nga pala, congratulations sa girlfriend ko, isa ka nang official na rakista. hahaha. love you! (pinapatawad na kita sa pagtili at paghiyaw sa tuwing kinikindatan ka ni Kean, Mong at Tutti.)

Advertisements

§ 7 Responses to RAKRAKAN SA FEU

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading RAKRAKAN SA FEU at WHERE NA YOU?.

meta

%d bloggers like this: