Archive for the ‘SHITTY’ Category

h1

CHRISTINE ON FHM

August 3, 2007

Kanina ay masaya akong naglalakad papunta sa aking eskwelahan. Sa kalagitnaan ng aking paglalakbay ay bigla nalamang akong nakaramdam ng isang matinding pagkauhaw. Agad akong nagdali-dali pumunta sa pinaka malapit na seben -eleben. pumunta sa me pridgedyer, kumuha ng Pepsi, at nagbayad. Sa aking paglabas ay bigla akong napatingin sa istante ng mga magazine. Lumapit ako at naisipang magmasid-masid ng konti. Dahan-dahan kong binisa ang mga titulo ng mga literahiyang nakahilera… Maxim, K-zone, Yes, Men’s Health, Totally Girl at… at… PUTANGINA! FHM!! Agad kong napansin ang pinakabagong issue ngayon ng FHM, pukinginang yan, pano ko ba nga naman hindi mapapansin yun e isang Christine Reyes na halos kita na ang kaluluwa ba naman ang ilagay sa cover!

Ayaw nyo maniwala? Eto!

Read the rest of this entry ?

h1

RAKRAKAN SA FEU

January 27, 2007

Nasabi ko na ba sa inyong taga FEU ako? opo, taga FEU po ako, dun po ako nagaaral, dun po ako namulat sa mga totoong kulay ng buhay, dun po ako unang natutong umibig, masaktan, at umibig muli (pwe, ambantot.), dun po ako unang natutong magsinungaling sa magulang ko (tatay: anak, asan na yung grade slip mo? bugsy: ay tay, kinain ho ng rugby boy.) dun po ako unang natuto kung pano magpagawa ng resibo sa recto, pati certificate of registration at medical certificate, dun ko din natutunan  na pwede palang gawing lunch ang limang piraso ng tuknene (kwek kwek para sa mga di makaintindi), dito ko din natutunan kung pano makisama sa mga taong mahirap pakisamahan, sa mga manong guard na ayaw magpapasok kahit nagbayad ka ng milyones para makapagenroll, sa mga prof. na mahilig mambagsak (bugsy: sir, me pagasa pa po ba yung grades ko? sir: huh? hu u?) at sa mga tindera sa canteen na madaling kausapin (bugsy: miss, magkano po ito? tindera: donut.), dun ko din natutunan na ang pagsakay ng jeep ay katumbas na din ng pamimigay ng cellphone, natutunan ko din na pag ikaw ay naglakad sa recto ay magmimistulang magnet ka sa mga pulubi , bata man o matanda minsan bakla pa ( pulubi: hoooy… pengetch naman akeng datur! translation: penge pera.) dun din po ako natuto kung panu ipaglaban ang sarili, prinsipyo at mga bagay na alam mong tama ( bugsy: taena, sabi nang dito nga ako nagaaral e! guard: owwwsss…) at higit sa lahat, dun din po ako natuto kung pano hindi matuto.

ngayon, bakit ko sinasabi sa inyo to? wala, intro lang yan.

kamakailan lang (kahapon lang, actually.) ay nagdiwang ng ika 79th foundation anniversary ang aming pinakamamahal na holdaper, este, school pala. weeeeh! buhay pa kame!

Read the rest of this entry ?

h1

PUTANGINA MO MANONG!

January 9, 2007

so kamusta naman?

ala gusto ko lang paalam sa inyo, sa mga katext ko na nadambong yung cellphone ko nung isang araw. ayun. kumag kang mama ka, ina mo ka, makakarma ka din hayop ka. ayun. pero pota, ok lang sana e, sige sayo na cellphone ko, saksak mo sa punja mo, gago, pero tangina yung kupal na yun, ang kapal ng karakas ng gago, pucha ginagamit pa din yung number ko, pucha sinusulit ata yung unli ko, gago 5 days pa yan! kuripot, mangsnatch k naman ng pambili ng sim card! tangina mo kang kinangina mo ka, i-ispinin kita pag nakita kita, hayup!

ganito kasi yun e, tntxt nya yung mga number sa phonebook ko, (well actually sa espekulasyon ko, tinitingnan muna nya yung mga pic sa gallery, tas maimili, tas ayun, titingnan yung pangalan tas tsaka ittxt) (gets nyo ba?) ayun, tas tntxt nga di ba? tas pag sumagot yung tnxt, pipiliting makipagkita ni gago, kunwari ako, gago di hamak na mas gwapo ko sayo, wala ka sa pa kalingkingan ng burnik ko! tas ayun, malay natin kung anu gagawin ni kumag! baka hoholdapin yun tntxt or whatever. (punyemas kang hayup ka, holdaper ka pala pero nagssnatch ka par rin? pota anu ka ba talaga? hayup!)

well kuro kuro ko lang naman yun e. pero magingat parin kayo mga pinakamamahal ko ng katxt, pagnagtxt sa inyo number ko, replyan nyo na lang ng “tangina mo kang gago ka, hayup ka! mamatay ka na, as in now na”

ok bye!